Linggo, Setyembre 10, 2017

Lakbay patungo sa probinsya ng Quezon


April 12,2017.Taon-taon namin ginagawa ang pagbisita sa mga beach sa iba't ibang lugar. Ngayong taon naisipan naming bumisita sa Probinsya ng Quezon sa bayan ng Sariaya para sa aming overnight trip. Umalis kami ng alas-dos ng hapon at bumiyahe ng mahigit limang oras. Maaga sana kami makakapunta ngunit naligaw pa kame dahil medyo liblib ang lugar na aming pupuntahan.

Nakarating kami ng bandang ala-sais ng hapon. Gabi na kaya maikling oras na lamang kame nakapagtampisaw at sa mga panahong yon ay low tide pa kaya kami ay pinabalik na sa among cottage upang maghanda para sa hapunan at upang matulog. 

April 13,2017. Kinabukasan, nagising kami ng maaga upang sulitin na ang mga oras. Nagtampisaw kami habang hindi pa masyadong sumisikat ang araw. 







In-enjoy lang namin ang pagtatampisaw habang maaga pa sa kadahilanang wala pang masyadong tao at kami- kami pa lamang ang nandito.






Nang sumikat na ang araw lalo pa naming nasilayan ang kagandahan ng kalikasan. Makikita mo ang mga langit na para bang magkadikit sila ng dagat at ang ulap na sobrang puti na tila ba ay bulak. Tyaka na namin na napagpasyahan na magpipinsan na mag-swimming at tuklasin ang ganda ng aming napuntahan.



Napagkatuwaan pa namin na ilubog ang aking kuya sa buhangin




Mga bandang 10 am naisipan namin nasumakay ng bangka upang makapaunta sa malalim lalim na lugar upang makakita ng maraming isda.



Habang papalayo nakita namin yung mga matataas at malalagong mga puno at hindi mo aakalain na mayroon palang mga resorts sa likod ng mga nagtatayugang mga punong ito.


Spotted ang isang kulay blue na Jellyfish 




Na-enjoy talaga namin ang paglangoy dahil nakakita kami ng maraming isda at mga corals . May mga nakita kameng grupo ng mga isda na naghahabulan at mga isdang nagtatalunan sa tubig na tila nagpapansin sa mga tao. Nakakatuwang pagmasdan ang mga isda na palangoy langoy lamang sa dagat.

Matapos ang kalahating oras naming panonood sa mga isda ay naisipan na naming bumalik upang maghanda sa tanghalian. Pagkatapos mananghalian ay ipinagpatuloy pa namin ang pagswi-swimming. 




Bukod sa may beach ang resort na ito meron din silang swimming pool. Dito kami nag-swimming pagkatapos namin na sumakay sa bangka. Mas marami tao ang nagswiswimming sa swimming pool kaysa sa beach.

Mga bandang alas-kwatro ng hapon ay nagsimula na kaming magligpit at mag impake ng aming mga gamit upang maghanda sa pag-uwi. Sobra namin na-enjoy ang pagpunta namin dito sa probinsya ng Quezon. Nakauwi kami ng Cavite ng bandang 9 ng gabi. Sa tuwing kami ay maglalakbay saan man lugar pagod ang katawan puno naman ang kasiyahan dahil kami ay sama-sama.

44 (na) komento:

  1. Isama nyo po sana ako sa susunod nyong bakasyon.

    TumugonBurahin
  2. Ang ganda naman!Gusto ko din .. gusto ko din pumunta dyan.. May mga isda wowwwww!

    TumugonBurahin
  3. halaaa! ang ganda jan! papasyal din kami jan next time :D

    TumugonBurahin
  4. Wow!Mukhang masaya at mapayapa ang ligar na iyan! Nais ko ring makapunta diyan kasama ang aking pamilya sa darating na tag-araw! Salamat sa pagbabahagi ng iyong experience! ♥

    TumugonBurahin
  5. ang ganda ng lugar...sarap mag swimming..

    TumugonBurahin
  6. ang ganda ng lugar...sarap mag swimming..

    TumugonBurahin
  7. Isang magandang paglalakbay sa puno ng magagandang alaala na ngayon ay ibinabahgi mo sa amin. Salamat!

    TumugonBurahin
  8. Ang ganda ng lugar, isama mo kami sa susunod 😊🌼

    TumugonBurahin
  9. Mas yado mo namng ginalingan. Isang bravo para sayo

    TumugonBurahin
  10. Ang ganda naman dyan. San makapunta rin kami dyan. 😄

    TumugonBurahin
  11. Woah!!!! Napaka ganda naman jan!!! Siguro maalat ang tubig jan sa dagat?

    TumugonBurahin
  12. Kumpleto ang kwento. Parang nakapunta na rin sa bawat litrato na ipinakita mo dito. Kitang-kita ang saya at pagmamahalan. Ulitin natin ito. Subukan natin sa "talon" sa Laguna.

    TumugonBurahin
  13. It's very nice place! Try nyo next time sa dalampasigan resort meron cla garden and playground for kids. Enjoy at maganda magpicture. =)

    TumugonBurahin
  14. Ang gandaaaaaaaaaa. ������

    TumugonBurahin
  15. Ang ganda naman dyan. maalat din ba yung tubig sa swimming pool?

    TumugonBurahin
  16. Ang saya naman talaga magbakasyon kapag kasama ang pamilya.. Nice blog!!

    TumugonBurahin
  17. Nice blog! I'll definitely go there as soon as I can! 👍

    TumugonBurahin
  18. Ang ganda po! Sabihin ko kila mama next time punta kame dyan

    TumugonBurahin
  19. Nice blog! Tunay ngang napaka ganda ng lugar na iyan. Sa susunod ay isama mo ako diyan! �� Ikikwento ko sa aking pamilya ang tungkol dito upang mapuntahan din namin ang lugar na iyan at makita kung gaano kaganda ang mga tanawin. At sana sa pagpunta namin ay makakita rin kami ng asul na jellyfish.

    TumugonBurahin
  20. Ok din pala sa Quezon province mag bakasyon.

    TumugonBurahin
  21. Tunay ngang ang tanawin ay kahali kahalina. Lalo na kung pag masdan ang bukang liwayway habang humihigop ng mainit na sabaw ng sopas. Alam ko ito dahil isa din akong saksi sa magandang Beach na ito.

    TumugonBurahin
  22. ...wow ang ganda ng lugar...xo relaxing at maeenjoyuh mabuti ang nature

    TumugonBurahin